KOLUM
Tumatayog na Tugatog
Isinulat ni Cyrelle Oyangoren
Sa mundong tatsulok, “Dilaw, ang sinag ng araw,” ‘yan ang sabi ng nasa tuktok. Naniwala naman tayong nakatunganga lang. Ganiyan ang eksena ng mga Pilipino tuwing sasabihan tayo kung ano ang nais nating gawin ngunit hindi dapat ganito
Mismo, kailangan natin taasan ang kwalipikasyon para sa ating edukasyon.
Tila naging palaruan ang kamara ng mga tagagawa ng kurrikulum natin. Tila naging tahanan ang bantayog na mayayamang hindi kailanman nakatapak sa putik. Sa ganang akin, makahulugan lamang na hindi tangkilikin ang mga sinasabi nil na dapat ipasok ang AI sa eksena ng walang katapusang pagibaBng mga kurrikulum.
Dama ko sa ilang dekada na lumipas, patuloy pa rin sa paghagupit ng tanong na walang sagot na tila walang lunas. Ilang siglo na ang dumaan sa pabago natin sa ating paraan
sa pag-aaral ngunit hindi parin natin nakuha ang tamang porma ng ating sistema na rin ang nagdaan, maraming pangako na rin ang isinumpa, pero mas tumayog at lumayo ang isang maginhawang Pilipinas.
Kahit muwang, kitang-kita ang parating na pagraragasa ng mga negatibong resulta sa bawat kabahayang-pilipino, ang ating puwesto sa PISA at resulta ng ating National Achievement Test na wala tayong kritikal na pag-iisip. Halata naman, na lahat ng mga ito’y magwawakas pagkatapos ng isip-nakaw na mga plataporma.
Hangga’t may tatakbong hayok makita ang sinag ng araw, ang mga mag-aaral, at bulag mula satamang edukasyon, hindi kailanman magiging handa ang Pilipinas sa darating na hinaharap.
Gayunpaman, naghihingalo akong umaasa na maging kritikal tayo sa kung sino ang pauupuin sa tugatog. Gising Pilipinas, matagal na no’ng huli tayong nasinagan ng araw.