Kayanin mo, Self

lathalain

Kayanin mo, Self

Isinulat ni Carl Zachary Llesol

Hindi na kaya ng aking sarili ang bigat ng sunod-sunod na hampas ng kompetisyon. Parang hindi na kaya ni self.

Lumaktaw ng kalabkab ang pulso mula sa kakoponiya ng panulat at papel sa tunog ng kamera mula sa unahan. Mula paa hanggang ulo ang pagtindig ng balahibo at pagdaloy ng pawis mula sa kaba dulot ng RSPC.

Tumunog ang mikropono at umalingawngaw paloob ang mga salitang mas nagpanginig sa balisa kong isipan, “Welcome sa ating Mini Press Conference.”

Marahil ay mas dumagundong ang bilis ng pulso sa binitawang talumpati ng tagapagsalita sa entablado na lumitaw ang aking isipan sa mga responsibilidad na naiwan ko sa paaralan.

Mga alituntuning nag-aabang, proyektong ‘di pa nasimulan, at mga sanaysay na ‘di pa matuldukan. Maraming mga gawain ang nagkukumpulan dulot ng sunod-sunod na kompetisyong na ako’y nakipagbakbakan.

Mga salitang pilit ‘di maisara, at tindig na walang patid hanggang sa nagising ako sa pagbuka ng bibig ng tagapagsalita, “You have to take advantage. Take advantage of the existence of Artificial Intellegence.”

Sa daan-daang sanaysay ang naisulat, proyektong natapos, at alintuntuning naaral, wala naman sigurong tataya sa tanikala ng paggamit ng AI.

Pumaram ang kaba sa aking kalamnan, mga mata’y bukas, at dinig na dinig ko ang sigaw ng aking isipan.

Sabayan mo lang ng tuwirang paggamit ng AI, kakayanin mo ‘yan, Self.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top